Top 10 must have gadgets ng isang OFW

Dito sa UAE medyo mura ang mga gadgets dahil na siguro sa walang tax dito at karamihan sa mga OFW ay mahilig mag collect ng gadgets, kung minsan di naman nila kailangan pero binibili nila ito, inaamin ko isa rin ako sa mahilig sa gadgets pero dahil limitado ang budget ay di masyadong jabonga sa pag bili ng ibat ibang gadgets at yung kailangan ko lang.

 Heto ang Top 10 must have gadgets ng isang OFW

1. Mobile Phone/ Cell phone – syempre ito ang number one kahit naman sa pinas ito ang unang unang kailangan ng pinoy, bata man o nagpapabata, ano naman brand ang sikat? Gaya sa pinas, Nokia, Sonny Ericson at kung anu ano pang brand and model. Presyo: Php 7500 -10,00

2. Smart Mobile Phones – Iba pa ang smart mobile phone, ito yung mga business phones katulad ng Iphone, Black Berry, Samsung, ito ay nakaka received ng email at pwede kang mag facebook, mag internet at mag tweet, may 3G ito at multi function. Presyo: Php 15,000 -27,500,0

3. Laptop/Notebook – Dati dati mga executive lang ang meron sa UAE ng laptop (that was 10 years ago) pero dahil bagsak presyo na ang mga laptop and note books at hindi na mahirap kumuha ng line sa internet, ok na ok sa OFW ang gadget na ito, dahil ito ang isa sa pampaalis ng homesick, chat ka sa skype kay missis at anak,post ka ng pictures sa facebook, ang saya ano po. Presyo: Laptop – Php 27,000 – 30,800 / Notebook: 13,200 – 19,800

4. MP3 player – bilang isang pinoy ay isa tayong music lover, lalung lalu na kung nag bubus ka lang sa UAE, kalian mo ng MP3 player (at gas mask). Presyo: Php 1,500 -7,000

5. Point and shoot Digital camera – syempre kailangan makuha ang mga memories mo bilang isang OFW kaya isa ito sa mga kailangan mo. Presyo: Php 8,500 -10,000

6. SLR Camera – ito na siguro ang nauuso ngayong “hobby kuno” ng isang OFW ang photography, balita ko kahit sa pinas ay uso din ito, di mo nga naman makakaila ang quality ng isang SLR sa isang point and shoot na camera, malayong malayo ang quality. Presyo: Php 27,500 -66,000

7. Karaoke system – nabangit ko nga na likas na makantutin makantahin ang isang pinoy kaya bili agad sya ng karaoke, karamihan dito ay Hyundai at Mediacom ang brand walang magic sing dito sa UAE. Presyo: Php 10,500 -13,000

8. LCD TV – sarap manood ng TV kapag 32” ang TV mo, kung minsan 42” pa ang binibili ni kabayan, di hamak na mura dito keysa sa pinas kaya ayun naduduling na si kabayan sa kakapanood ng TV e go parin, ikaw na ang may sine sa room. Presyo: 32” Php 12,000 -15,500 / 42” Php 22,000  – 27,500

9. Theatre System – dahil my 32” ka ng LCD TV aba ay dapat ka ng magkaroon ng theatre system para maganda lalo ang panonood. Presyo: Php 7,500 -22,000

10. Car – opo mga ka-toto, kotse… kotse, mahirap mag bus sa UAE, lalung lalo na kung summer lahat ng singit mo may pawis at kung minsan (madalas pala) ay may fireworks ang katabi mong ibang lahi. Bukod dito mahilig gumala kasi ang pinoy at alam ang lahat na may birthday para mapasyalan (Kalendaryong aso), kaya kung may pera si kabayan must have din ang kotse. Ang presyo….? Well depende, kung segunda mano na lumang luma na ay makakabila ka ng Php 165,000 / sa bago Php 530,000 – 1,000,000

Hindi naman maluho ang isang OFW, ngayon lamang may pagkakataon na makakabili ng ganitong kamamahal na gadgets, at kung bibilhin mo dito ay divided by eleven mo, kaya mababa lang kung tignan, (ang Php 13,200 = AED 1,200 lang) kaya ayun si kabayan, may Iphone at naka laptop, kahit hulugan sa creditcard basta ma enjoy ang kinikita, tutal mahirap ang nasa ibang bansa pampaalis ng home sick.

5 Comments

Filed under Top 10

5 responses to “Top 10 must have gadgets ng isang OFW

  1. beys uli! hi, kiko.

    bili ka ng no. 10 tapos, uwi ka dito at ipasyal mo ang mga ka-blog, hihi…😀

    • Hi … alam mo di ko pa alam pangalan mo…
      modesty aside may kotse na ako dito (yabang) kaya lang mahal ang pag import sa pinas malake ang tax sa pinas, maliban na lang kung may kakilala ka sa customs.

      Salamat sa pagdalaw🙂

      • hello, kiko. gano’n? so, di mo ako isasakay sa oto mo dito sa pinas? hehe.

        hey, seriously, di ba nag-a-appear ang name ko sa email (sa email copy nitong comment)? kaya di mo alam ang name ko?

        eniwey, sige, matagal ko na ring balak i-email ka. i will email you in a week’s time para di ka na gaanong mag-duda sa ‘kin, hehe. bait ako, di ako nangangarnap, hihi…😀

  2. Hahaha, sobrang natawa ako sa “fireworks” ng katabi.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s