Top 10 na kinaiinisang eksena sa pagsakay ng Jeep

Matagal na akong wala sa pinas almost 8 years na at matagal na din akong hindi sumasakay ng jeep, di tulad noon hindi pa ako OFW, araw araw ginawa ng Diyos sa jeep ako sumasakay, kahit mainit at siksikan sa jeep namimis ko pa rin yung mga moments na may katabi kang magandang chicks o kaya nasa harap mo ang isang sexy babae.

Dahil dito, naalala ko tuloy ang mga kinaiinisan kong eksena sa jeep, kaya eto ang top 10 kinaiinisang eksena sa pagsakay ng Jeep.

10. Punuan ang jeep bago umalis, taga probinsya ako kaya pumipila ang mga jeep sa amin at may stasyon kame kung saan doon ka pipila, ang kaso kapag hindi peak hours kailangan mo pang maghintay ng ilang minuto kung minsan oras para mapuno ang jeep, lalung lalo na kung isa na lang ang kulang at puru may mga kasama ang mga naghihintay. Hindi mo naman masisis ang driver o ang barter kasi sapat lang ang kita nila at sayang ang isa pang pasahero, wala ng papara pasahero sa daraanang bukid.

9. Ikaw ang ginawang kundoktor, uso pa noon ay abot ang bayad sa mamang drayber, kung minsa patay malisya ang ibang kasakay mo at kung saan saan sila nakatingin at kunwari hindi nila naririnig at nakikita ang pasaherong nagpapa-abot ng bayad, eto pa, itatanong ng mamang drayber kung pang ilan yun bayad o saan papunta, walang sasagot dahil yung nagbayad ay busy sa kakachika sa kasama at kailangan mo pang maging isang echo para marinig ng walang pakialam na pasahero, hello ginawa pa akong messenger.

8. May amoy ang katabi or may umutot, hindin naman ako maselang tao, kaya lang ang hirap nito ay umuulan at nakababa ang tolda ng jeep, siksikan pa kaya kulob na kulob ang jabonggang explotion, konti na lang high na high ka na sa putok.

7. Kaskaserong driver, heller gusto ko pang mabuhay mamang drayber, kung nagmamadali ka at natatae ka  na, pwede ka naman pumarada at pumunta sa gilid ng bukid para malabas mo ang sama ng loob mo.

6. Kung umupo ay parang donya, ito na siguro ang isa sa mga kinaiinisan kong eksena sa jeep, lalung lalu na ang isang kolehiyala na akala mo ay nakaupo sa isang beauty pagent at ang atre ku umupo at naka side pa ito na walang keber kung may uupong bagong sakay, talagang tumataas ang kilay ko, may sinabihan na akong minsa at ang sabi ko “Miss yung tamang upo lang sa tamang bayad ang upo mo please” (at least may please) sinimangutan pa ako.

5. Walang barya ang driver, mamang drayber hindi kayo siguro sumali sa boyscout ano? Minsan talagang sinasadya kong bigyan siya ng malaking halaga para mainis lang si mamang drayber, kaya lang noong minsan nakahalata ata at isang plastic na barya ang binigay na sukli sa akin.

4. Naninigarilyo sa loob ng jeep, dati di pa bawal ang mag yosi sa jeep, at di pa uso ang terminong second hand smoke, ang hirap pa nito kapag sinabihan mo ang adik,  sila pa ang galit at akala ata nila na sila ang may-ari ng himpapawid, gawin ko kayang ashtray ang butas ng ilong mo?

3.Mahilig magpa usog ng nakaupong pasahero, maganda na upo mo, komportable ka na, may biglang sasakay na ale o mama, at kakalabitin ka at sasabihin sa iyo kung pwedeng umosog at malapit lang kasi siya, noong minsan sinagot ko ang isang mama, eto sagot ko “mama, gusto mo ba pwesto ko?” – mama: “Oo”, – Ako: “hindi lang ikaw me gusto ng pwesto ko ako rin”, natauhan ata at umupo sa tabi ko he he he

2. Maingay sa jeep, karamihan mga teenager, mga magbabarkada, mag bading ang maiingay sa jeep, kung minsa mga nakikiusap sa cellphone (at a later stage), sila na sila na ang bida sa jeep at kami ay pawang mga extra lamang. “action!”

1. Natutulog sa jeep, kung hindi lasing ang natutulog, galing sa lamay o kaya puyat talaga at umiibig, ano pang magagawa mo kung ang ulo ng katabi mo sa jeep at nagdesisyun na  gawing unan ang iyong balikat, biglang tulo ng laway…. Isa lang ang pwede mong gawin…. ilihis mong bigla ang balikato mo … bang… gising si mokong. (pero kung sexy or magandang dilag ang nakatulog sa balikat mo, huwag kang gagalaw, kung pwede lang ay humaba pa ang biyahe at isip mo na lang ikaw si Machete at isa kang istatwa)

Ayan po ang katanging tangin eksena sa jeep na pawang naranasan natin, hindi naman ako nag rereklamo, at tanggap ko na na talagang ganito ang buhay pasahero, nakakatuwa lang isipin na kahit ganyan ang eksena sa jeepney ay masaya pa rin tayong sumasakay.

Barya lang po sa umaga….

Leave a comment

Filed under Life as we know it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s