Top 10 na senyales na bading ang kaibigan mo

May isa akong ka opisina na nagtatanung kung bakit napaka torpe ng kaibigan niya at hindi siya liniligawan o nag peperst move, ang sagot ko ay baka bading? “siguru nga” yun ang sagot ng kaibigan ko, tapos tinanong niya ako kung paano mo malaman kung bading ang isang  lalakeng ? kaya binigyan ko ng mga senyales kung bading ang kaibigan niya.

Babala: ang mga sumusunod na senyales ay nabase sa aking obserbasyon laman at hindi ito isang daan porsyentong tama.

  1.  Terno palagi ang ano mang bagay, pagmasdan ang kaibigan kung terno sa damit at dala niyang bag or sapatos, o kaya terno ang medyas sa damit, o kaya ay terno ang cellphone sa ibang accessories, ay tita berde ang dugo nya.
  2. Palagi maayos ang buhok, iba ang malinis sa katawan, likas sa pinoy ang malinis sa katawan, ngunit yung tipong ayaw magulo at palaging naka ayos , aba mag duda ka na.
  3. Galit sa bakla, opo mga ka blog, kung allergic sa bakla baka isa din syang ka pederasyon, sabi nga ng kasabihan ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw (magnanakaw ng lakas)
  4. Napipikon kapag tinatwag siyang bakla, ang tunay na lalake ay tatawa lamang kung tinawag mo syang bakla,  naalala nyo ba si Rustom Padilla (Binibining Gandanghari) , noong panahon na lalake o nagpapakalalake pa sya, biniro ni Anjo si Carmina na bading ang BF nya, sa sobrang pikon ng mga Padilla, pinaulanan ng bala ang bahay ni Anjo. (imagine Rambo na bakla), e ngayon ano masasabi ni Carmina kay Anjo kung di.. correct ka dyan .
  5. Sa kilos, hindi ang kembot o lakad ang ibig kong sabihin kungdi sa mga simpleng pag kuha ng tasa, sa pagtingin ng kanyan mga kuko, siko at paa, tumutulis ang labi kapag may expression sa mukha.
  6. Pantay ang haba ng kanyang hintuturo sa kanyan palasingsingan, ayon sa mga ibang eksperto napag alaman nila na pantay o pereho ang haba ng ringfinger at index finger, check nyo daliri ng isang certified na bading kung tama ako.
  7. Mahilig manood ng love story, may kasama pang tili yun o mga kilig kapag nanonood at kasama pa ang best friend niyang babae.
  8. Walang girlfriend o nagging girlfriend sa buong buhay nya, kahit pari nagkaroon ng girlfriend bago sya nagging pari, kaya magtaka ka na kung wala pa syang nagging syota hangang ngayon at mag kokorenta na sya.
  9. May syotang bading, ano pa nga ba, bird of the same feather flock together.
  10. Mahilig pumunta sa gay bar, ano naman ang gagawing ng isang tunay na lalake sa gay bar aber? Ano magkukumpara sila ng haba ng etis? Ikaw na,  ikaw na ang bading!

Gaya ng nabangit ko na hindi isang daang porsyento tama ang mga ito, at kung minsan ay nasa tao lamang, at hindi ko rin sinasabi na mali ang maging bakla, ang post kong ito at isang indikasyon lamang kung duda kayo sa isang taong pilit napapakalalake, naalala ko tuloy ang kanta ni Michael V. na ang pamagat ay “Hidi ako bakla” at natutuwa ako sa video ng kanta.

6 Comments

Filed under Top 10

6 responses to “Top 10 na senyales na bading ang kaibigan mo

  1. hi, hi… natuwa naman ako dito, tita, berde ang dugo nya, haha…

    dati, medyo na-inlababo ako sa isang mamang good-looking at matalino at mahaba-haba ang pinagsamahan namin. ang bait nya sa akin. kahit may nagsasabi na among our friends na bading sya, parang wala lang sa ‘kin. btw, hindi naging kami kasi may GF sya noon although, close kaming dalawa.

    several years later, nagkita kami sa party ng isang close friend. out in the open na sya noon. tapos, feeling close pa rin kami as in, may i akap and akbay pa, as in the old days.
    tapos, ikinukwento ba naman sa akin ang recent love mishap nya? buti na lang, over na ako sa infatuation sa kanya. btw, hindi ata pantay ang kuko nya sa index finger at ring finger, e. 😀

    • sabi sabi lang nila pantay daw ang index at ring finger ng isang bading, buti na lang hindi kayo naging mag nobyo kung hindi sana hiraman kayo ng rollers and lipstick ha ha ha ha, salamat sa pagdalaw🙂

      • hala, hindi sya nag-cross dress ever. bihis lalaki pa rin sya. hindi sya nagli-lipstick. matalino at sensible nga syang tao, ano ka, bey?

        iyon lang. wala na syang gf kuno ngayon kundi boypren na talaga. okey pa rin naman kami. hindi ko na sya napagkikita recently.

        hindi naman nya yata ako nagustuhan dati maski in the romantic sense man lang. friends kami talaga. ako lang ang nag-isip ng iba, hi, hi…😀

      • Baka ang gusto sa iyo yung rollers mo or yung friend mong lalake he he he

  2. haha, hindi ako nagro-rollers. short-haired ako. hindi ko alam kung may ginapang sya among our common friends na lalaki. ang sama mo, pareng kiko, pinag-isip mo ‘ko, do’n, ah? :]

    matalino sya at sensitive, valedictorian ata sya sa noong gumradweyt ng college. we’ve the same politics at sa mga pana-pananaw sa buhay. pareho rin kaming laki sa hirap, baga. mas disciplined at mas matalino sya maski di sya sa UP nag-aral.

    i may not agree with his preferences pagdating sa relasyon pero he’s ok as a person.😀

  3. nako!!Kahit cguro di nyo itanong halatang halata naman cguro kung bading ba o hinde..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s