Top 10 Kontrabida sa pelikulang Pilipino

Noon ako ay bata pa madalas ako manood ng mga action movies nina FPJ, Rudy Fernandez, Philip Salvador at Lito Lapid, sa mga iton si FPJ ang paborito ko, pero bukod sa mga bida may mga hinahangaan din akong mga kontra bida na hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang kanilang estilo sa pagiging kontrabida.

10. Bomber Moran – ang tunay na pangalan niya ay Arturo Ocampo, isang matabang lalake na mahilig manggulpi ng bata, hindi sya ang main kontra bida pero hindi mo makakalimutan ang presence nya sa storya dahil nagiisang matabang kontrabida si ka bomber.

9. Dick Israel – ang astig na kotrabida, simple lang umarte ngunit effective gumanap na manyak o di kaya ay isang siga sa kanto.

8. Vic Diaz – ito ang tunay na pangalan niya, hindi ko alam ku kamag anak ng mga Diaz brothers pero malamang, madalas gumanap na hapon sa mga FPJ movies, o kaya isang dirty old man na mahilig mag rape ng dalaga, ang anak nito ay si Teddy Diaz, noon ay lead guitarist ng the dawn, kaya lang natsugi sya at sinaksak ng isang adik.

7. Joaquin” Buwaya” Fajardo – Isang napaka panget na kalaban, hindi naman ako mapangalipusta pero kung kilala nyo si buwaya ay agree to the highest level kayo sa akin, ito ang may tunay na “face value” para maging isang sikat na kontrabida.

6. Subas Herrero – siya ang judge na kalaban ni FPJ,”punu no salop judge, dapat ka ng kalusin” isang mestizo na kalaban, kaya palaging isang mayaman na haciendero na mapagn alipusta sa mga mahihirap na magsasaka.

5. Johnny Delgado – isang beteranong at magaling na aktor, madalas siyang isang congressman o kaya isang pinuno ng sindikato, dahil malaking lalake ito at may bigote at malake ang boses, kabilib bilib ang pag ganap niya bilang kalaban at pati ikaw ay matatakot sa galit nya.

4. Romy Diaz – isa sa mga paborito ko, sa itsura pa lang mukha na syang manyakis, na karamihan sa mga role niya, mahilig ding mag mura ito at ang lutong ng mga  mura nya (sample) “taknaydana” ang ibig sabihin at putang ina sa capampangan. Matatandaan mo sya sa kanyan hairdo na afro na para bang kamag anak ni Michael Jackson noon 70’s, at ang bigote niya ay napaka suave, may pagka komedyante ang actor na ito kaya matatawa ka at maiinis sa kanyan katakter.

3. Max Alvarado – sa mga ka generasyon ko sino ang makakalimot kay ka max, isang natural born kontrabida, sa mukha pa lang alanganin ka ng lumapit sa kanya, matatakot ka sa pagmumukha pa lang, siya ang gumanap na Lizardo sa “Panday” ni PFJ, nagging endorser din sya ng Maxx candy bago ito pumanaw, ang gusto ko sa actor na ito ay kaya nyang gumanap na masama at mabuti, may mga penikula sya na isa syang mabait na tao, magaling din syang komedyante, para sa akin isa sya sa mga haligi ng pelikulang Pilipino.

2. John Regala – ito na siguro ang pinaka bata sa mga top 10 na kontra bida, siya ay isang tunay na “siga” sa pelikula man o sa tunay na buhay, minsa nabalita siya sa 24 oras na naka away niya ang isang taxi driver, at sa sobrang inis nya sa taxi diver muntik na itong inupakan sa harap ng camera, ganyan ka siga si ka John, ang nagdadala sa kanya ay ang personality niya na talagang pala away at siga ang dating.

1. Paquito Diaz – ito ang number 1 ko sa kontrabida, baket ka mo, isang manyakis, mayabang, matakaw, siga na kalaban, ngunit sa pelikula lamang, at hindi sa tutoong buhay. Madalas bugbugin ni FPJ, da Boy, Vic Sotto, Philip Salvador, Lito Lapid… lahat ata ng action star dumaan sa mga kamay niya, kailan lang ay binalitang pumanaw na si ka Paquito ngunit mananatiling buhay ang mga karakter niya sa pelikula.

Sabi nga nila hindi kumpleto ang istorya kung walang bida at kontrabida sa isang pelikula, ganyan din sa tunay na buhay, may kontrabida din sa ating buhay, ito man ay ang iyong boss, ka opisina, kapitbahay, mga inutangan o asawa… (joke) kasama sa ating buhay ang mga ito.

26 Comments

Filed under Top 10

26 responses to “Top 10 Kontrabida sa pelikulang Pilipino

  1. hi, kiko. mahusay ang diskusyon mo dito. fairly naihanay mo ang mga swabeng dahilan bakit sila nababagay sa illustrious mong listahan. good job po.😀

    haha, ako rin, kaming magkakapatid, lumaki sa action movies maski maganda o panget. kaya nga may post din ako about the action genre of phil movies. baduy nga lang title – bakbakan: mga pelikulang patok sa baryo. one of my early posts.

    sa kapitbahay pa lang kami noon nakikinood ng TV. lumalakad kami ng more than 1km para makinood. sa ganoong paraan namin nakilala sina max alvarado, paquito and romy diaz and bomber moran. thanks for this post and more power.😀

    • salamat na salamat🙂 may nakalimutan ako isang kontra bida kaya lang nakalimutan ko pangalan, namatay na rin siya at ito yung kontrabidang galit sa bakla, baka kilala mo paki banggit na lang ang pangalan.

    • mulz elevera

      sir, ano po pangalan yung laging alalay lng sya sa main kontrabida tapos lage syang may dalang 29 and lage ring sinasapal sa kanyang among kontrabida..tnx

      • Gabriel

        Si Danny Labra po yung laging may hawak na 29-balisong at si Roldan Aquino naman po yung madalas na sumasampal sa kanya…

  2. Wala si Bembol Roco? Noong bata ako napanaginipan ko syang humahabol sa akin. Maygawwwd! Takot na takot ako all over!

    • Hindi ko tinuturing kontra bida si bembol dahil isa syang flexible actor noong dekada sesenta, isa syang bida sa pelikula ni Lino Broca, baka hindi si bembol ang humahabol sa iyo at ibang kalbo ang humahabol sa iyo, yung dumurura ng puti bwa ha ha ha

  3. Aia

    Si John Regala #2 pero wala si EDDIE GARCIA???!!! Bakit?! Si Manoy ay tinuring na prime kontrabida since the `50s long before anyone in this list. Lately lang na naging bida siya at ito ang nagpapatunay ng kanyang versatility.

    Btw, sa susunod na susulat ka, gumamit ka naman ng tuldok and break down your sentence. Other than that, it’s a great article, Kiko. Thanks.

    • gaya ni bembol, na sinasabi ko sa salbehe,…… hindi ko rin tinuruting prime kontrabida si Manoy, una dahil ikaw na nagsabi , vesatile actor siya, kaya hindi lang siya pure kontrabida.
      Salamat sa pag dalaw , at commento, siguro sa dami ng kuwit ko , at tuldok … ok na sa iyo ang reply ko?🙂

  4. anita jane panlilio

    nice post! kaaliw! may isa pang kontrabida na matangkad, bigotilyo at mestisuhin. nkalimutan ko lng ang pangalan. madalas din itong mang rape at alalay ng mga congressman heheh!=p

  5. rellhievhoye_83@yahoo.com.ph

    sila johnny vicar bakit wala? ganun din si zandro zamora tsaka request nmn mag gawa ka din ng top 10 na mga sidekick gaya nila berting labra dencio padilla at marami pang iba

  6. WHO MADE YOU DO IT is about the legendary villains that we look up to.
    The forefathers who set a benchmark to a role where everybody hates while they’re beefin’ with everybody in town.

    The infinite swag, the hostile lines, the evil laugh and the swabe mustache. Action films will never be the same without these guys. We did this out of frustration and respect. Frustration because action films nowadays aren’t that good anymore. Respect because they truly deserves it.

    Fist in the air for the bad boys of the Philippine cinema!

    We’d like to hear your creative inputs! Contact us.
    beefclothing.multiply.com
    facebook.com/beefclothing
    beefclothing.tumblr.com

  7. Hynyango

    Napakahusay na paghahanay. Kudos!

  8. Baril

    Ops mukhang kulang mate papano si Eddie Garcia? for me , Eddie Garcia, Paquito Diaz, Max alvarado, Johnny Delgado, Romy Diaz Subas Herero,John Regala, Efren Reyes Jr,Bob Soler Eddie Guttierez,.:)

    pwede din Vic Diaz, Chuck Perez,Dick Israel, Edu Manzano Dindo Arroyo Roi Vinzon at Tony Ferrer.napakagaling din kumontra si Jun Aristorenas🙂

  9. Loved it! Yung iba medyo hindi lang familiar. Anyways, do you have a list of pinay kontrabidas like this one:

    http://www.filipiknow.net/pinay-kontrabidas/

    Keep up the good work:)

  10. Tyrannosaurus

    Nice list, but I must correct you on your info about the late Subas Herrero.

    Actually, it’s Eddie Garcia who played the corrupt Judge Valderama in “Kapag Puno Na Ang Salop” movies (Part 1 and Part 2) against FPJ’s character Sgt. Guerrero.

    On the other hand, it’s Subas who played the corrupt congressman in the movie “Isang Bala Ka Lang Part 2” where FPJ uttered the movie title when threatening him: “Wag ka ng magpagandang lalaki, Congressman. Isang bala ka lang!”

    The late Subas was also the shrewd lawyer of Vic Vargas in another great FPJ movie “Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway.”

    Thanks. =)

  11. emong bagot

    Well one thing I know about this list with the exemption of jhon regala the nine guys mentioned here. (well jhon regala played an anti hero lead role)They never played a lead hero role. some of them played sidekick, others played supporting role. so i guess kiko was right to not put eddie garcia, bembol rocco or eddie gutierez here but i think he should have added rex cortez but then again he was the kontrabida in most P.G.13 fantasy or comedy genre movies so maybe it still does not count, anyways this list was very informative. I hope you could do a top 10 love team collection or top 10 movie extra list in the future

  12. Jeffrey Pelariza

    Goodevening po. Im a 4th year mass communication student po. and we’re currently working on our undergraduate thesis po. Yung topic po namin is about the evolution of kontrabida from 1950’s to the present. baka po may alam pa po kayong ibang articles or study pa about kontrabida sa philippine movies. salamat po. maraming maraming salamat po sa sasagot.

    • hello, salamat at napadaan kayo sa blog ko, so tutoo lang hindi ako nag research tungkol sa anomang post ko sa blog na ito, gaya ng sabi sa post ko , ito ay purong obserbasyon lamang. malaya kayong gamitin ang aticle na ito sa inyong thesis kung nanaisin.

  13. iskwakalogz

    bat wlawa si DINDO ARROYO!! ayun pinaka hardcore ka kontrabida na nakita ko haha

  14. Yves Uy

    Ung Judge Valderama si Eddie Garcia,ang portrayal ni Señor Subas ay kurap na pulitiko/congressman,ganid na nrgosyante-FYI🙂

  15. Simpleng Pinoy

    Bakit wala si George Estregan? Para sa akin, siya ang pinakamagaling mag portray ng role na kontrabidang hayok na hayok na rapist. Parang akala mo rapist cya talaga!

  16. ajcutes

    ok ang list! thumbsup! per madami pang magagaling na hindi nabanggit sa listahan…

    To name a few:

    Eddie Garcia, Ruel Vernal, King Gutierrez, Rocco Montalban, Roi Vinzon, Edu Manzano, June Hidalgo, Dindo Arroyo, Joey Padilla, Pons De Guzman, Rez Cortez, Bob Soler, George Estregan Sr & ER Ejercito, Zandro Zamora, Charlie Davao….etc.

  17. Norm Jerome A.Pastoral

    Dapat nandyan din si eddie gutierrez markado rin magkontrabida yun

  18. ER Ejercito? tawa pa lang nya alam na, roi vinzon?rez cortez?dindo arroyo yung laging dilat ang mata pag napapatay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s