Top 10 katangian ng isang balik bayang OFW

Akala nang nasa pinas ay madali lamang ang buhay sa abroad, akala din natin na ang isang OFW ay tumatae ng pera, ang hindi nila alam ay ang lungkot at hirap na nadarama ng isang OFW, kung gaano kahirap magkasakit na ang tangin karamay mo lang ay isang panadol at mga prutas, at tuwing pasko ay ngiting aso lamang ang tangin mapapakita mo at makikita mo pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata.

Eto ang top 10 na katangian ng isang balik bayang OFW at dahil top 10 uumpisahan ko sa 10 pababa ng pababa

10. Japorms sa damit, madalas na makikita mo sa balik bayang OFW ang mga mapopormang damit, kung minsan signature pa na Lacoste, Levis, at bagong shoes, di mawawala sa bagong dating na OFW ang bagong pang uwi ika nga.

9. Latest ang mga gadgets mo, syempre kapag OFW ka at balik bayan ka ay dapat na pagyabanga pagmalaki ang mga bago mong gadgets, may Iphone or black berry at di mawawala yung laptop (kahit hulog hulogan lang sa credit card)

  8. Tumaba, dahil sa sarap siguro ng pagkain sa ibang bansa, madalas umiwi ang isang OFW na malaki na ang waistline, double ang baba

7. Nagrereklamo sa panahon, mainit daw, ma alingsangan, ma alikabok, chu chu. Hindi ma masisi ang isang OFW dahil nasanay siya sa malamig na aircon or malamig na panahon sa ibang bansa, at dahil asensadong bansa ang pinuntahan kokonti lamang ang alikabok sa daan at usok ng mga kotse, kaya nagrereklamo sa panahon sa pinas.

6. Madalas mag ingles o ibang wika sa expression, “sorry”, “In shala”, “kalas”, “dew lay”, “BS” at  kung ano pang ka eklatan sa pag sasabi ng ibang wika.

5. Mahilig gumala, dahil namimis niya ang lupang minamahal, madalas mag yayang mag swimming, pumunta ng Bagio ang mga balik baying OFW, dahil kapag nasa ibang bansa ka, araw -araw na lang ginawa ng diyos ay yun din ang gagawin mo sa boung taon, (check mo post ko   tungkol sa pampalipas homesick ng OFW)

4. Mahilig mag compute at magkumpara ng presyo or mag convert sa pera ng pinas vs dolyar or  dirhams or pounds, basta lang may dahilan para malam na murang mura at pwedeng gastusan.

3. Mag attend ng reunion, mapa high school man or collage, walang puknat na reunion ang mga balikbayan OFW na karamihan sa kanila ang taya sa letchon or malaki ang contribution para sa mga reunion shirts.

3. Madaming kamag anak, kaibigan, na bumibisita, ano pa nga ba, ikaw na ang OFW.. ikaw na

2. Madaming pasalubong, ultimong yung nag juejueteng at suking magfifishbal may pasalubong  sa iyo, blue seal na yosi, chololates, sabon, shampo, lotion, delata, towel, sapatos, gadgets, at ibat iba pa, e galing ibang bansa e OFW yan e  .. siya na siya ang mayaman!

1. at ang number 1 na katangian ng balikbayan OFW ay…. Pag balik sa abroad ay zero balance! … yan ang tutoo, para lamang mapasaya niya ang mga namimiss na kaibigan, kapatid, magulang, at kamag anak, todotodo ang gastos ng isang OFW, dahil ang dahilan ay kikitain naman daw niya yun sa susunod na taon.

Malungkot man o nakakatuwang isipn ang pagiging balik bayang OFW, ito ay parte na ng ating kulturang pinoy.

8 Comments

Filed under Buhay UAE

8 responses to “Top 10 katangian ng isang balik bayang OFW

  1. haha… ang galing! lalo na ‘yong pagdating ay puro bisitang kamag-anak at kakilala at panay ang outing…😀

    ikaw na ang maging OFW. ikaw na!

  2. Nyahahaha…. swak na swak ang sinabi mo kagagaling ko lang din bakasyon at ganyang ganyan ang nangyari sa akin. hahaha

  3. Dina talaga maiaalis yan sa mga ofw o kahit namn hindi ofw at galing sa ibang bansa.pero para sa kin unahin muna ang mahahlagng bagay pag may extra at saka mag happy happy.Pero kami basta ang mga ank ko mapasaya namin at si mama.ok na ok na .hindi kailangan magyabang.

  4. tama hindi tumatae ng pera ang mga OFW.pinaghirapan ang pera ng mga OFW kaya kayo mga kapitbahay,kaibigan,kamag-anak ng OFW marunong kayo mag respeto maghintay kayo kung kelan kayo wag nyo pangunahan..

  5. maryanie serrano bohol

    ako sa sorry,lang palagi kong nasabi at yung dirham na iconvert sa pinas!# 6,#4,at # 1 yun ako sa totoong buhay..wala eh sabi pa nga mga kamag anak ko isa lang ba daw yung damit ko ha ha ha ..kuripot.

  6. Fe

    Totoo yan…Ang Ayaw ko sa UGALI ng Pilipino padalhan mo na sila ng PACKAGE,pero pag Uwi mo hihingan ka pa ng PASALUBONG,At Manghiram ng PERA na WALA ng Bayaran…Kung ano anong DRAMA pa pag NANGUTANG,,,Pag hindi mo binigyan SASABIHIN pa sayo KURIPOT ka…OK marami kang Pera sa ABROAD kung MANAGER ka or HIGH Position ang Trabaho,Pero kung DH ka lang or CAREGIVER ang Sweldo ay SURVIVAL lang.

  7. Bong

    Kung Minsan nakakatuwang isipin na isa kang ofw dahil maipagmamalaki ka ng mga kaanak mo.ngunit sa Kabila nito puro hirap at lungkot ang kaakibat ng isang ofw kaya dapat sa bawat alis ng bansa bilang isang ofw ay mayroon kang target at yon ang pagtuonan mo ng pansin para hindi masayang ang pagpapakahirap mo sa ibang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s