Kailan bang mag-asawa?

 

Buan ng Pebrero at buwan ng pag-ibig. Kaya tungkol sa pag ibig ang post kong ito.

Ang malaking tanong ng bayan ay dapat ka bang mag asawa? O kailangan mo bang mag asawa?

Madami sa atin ang nangarap magkapamilya, madami din sa atin ang hindi bou ang pamilya, dahil sa hindi pala compatible, or nangaliwa si mister o si missis, pero ang malaking tanong pa rin kailangan ba talagang mag asawa?

Sa  sagot na “oo kailangan”

  • Oo kailangan kasi walang kahulugan ang buhay mo kapag wala kang asawa at anak?
  • Oo kailangan dahil sa ayaw mo sa gusto mo may mamahalin kang tunay?
  • Oo kailangan dahil takot kang mag isa sa mundo at tumanda ng walang mag aalaga sa iyo
  • Oo kailanagn dahil malamig kapag umaga
  • Oo kailangan para may katulong ka sa buhay
  • Oo kailang dahil masarap ang may kasama at mahirap mag isa
  • Oo kailangan dahil maganda ang may kausap kapag gabi
  • Oo kailangan dahil kailangan mo ng sex
  • Oo kailanga dahil marunong kang umibig
  • Oo kailangan dahil hindi ka bakla or tibo
  • Oo kailangan dahil gusto mong magka-anak

 

Sa sagot naman na “ Hinde mo kailangan mag-asawa”

  • Oo kailangan kasi walang kahulugan ang buhay mo kapag wala kang asawa at anak?
    •  Baket kapag wala kang asawa ibig sabihin ba wala kang kwenta?
  • Oo kailangan dahil sa ayaw mo sa gusto mo may mamahalin kang tunay?
    • Di mo kailangan mag-asawa para lang magmahal ng tunay
  • Oo kailangan dahil takot kang mag isa sa mundo at tumanda ng walang mag aalaga sa iyo
    • mag hire ka ng care giver.. leche
  • Oo kailanagn dahil malamig kapag umaga?
    • Mag kumot ka kaya?.. leche ulet
  • Oo kailangan para may katulong ka sa buhay?
    • Ano yan DH?
  • Oo kailang dahil masarap ang may kasama at mahirap mag isa?
    • Brad baka kailangan mo body guard?
  • Oo kailangan dahil maganda ang may kausap kapag gabi?
    • Usu na ngayon ang cellphone at chat .. heller
  • Oo kailangan dahil kailangan mo ng sex?
    • Pwede naman mag sex kahit walang asawa.. kahit nga mag isa.. he he he
  • Oo kailanga dahil marunong kang umibig?
    • Wheh di nga?
  • Oo kailangan dahil hindi ka bakla or tibo?
    • Hay bahala ka, baka masabunutan kita.. tse!
  • Oo kailangan dahil gusto mong magka-anak?
    • Anak lang pala e, dami dyan.. pwedeng anakan…

 

Sa personal na opinyun ni kritikong kiko… siguro may taong talagang nakatadhanang mag asawa at may taong nakatadhanang maging mag isa or sumama sa iba.

Yun lang po at Happy Valentines!!!

8 Comments

Filed under Life as we know it

8 responses to “Kailan bang mag-asawa?

  1. advanced happy valentines, mang kiko!😀

  2. xG

    ang tanong: bakit magaasawa ang tao?
    yan dapat ang sagutin mo mang kiko
    :))

  3. Falcon-Heavenscloud

    hahahaha nag google pa ako para sa mga ganitong bahay pero salamat sa blog na to. . . may natutunan aq to be honest wala akong nagiging GF simulat sapol. . . 23 years old na aq may mga napupusuan pero hindi aq ng liligaw kasi takot aq ma reject. . . pero na isip ko rin na mahirap ng walang asawa. . pero mahirap din naman mag asawa lalo na kung wala kang sapat na kita😦. . . .

  4. minsan na iisip ko nga time naba para sa aking pag aasawa? 28 anyos na ako at ,laging gumugulo sa isip ko kung handa naba ako? ang sagot ko oo pero sa isip ko may naglalarong salita kaya mo naba? may bahay kana ba? o maayos naba ang katayuan mo. sa buhay? OFW din ako kaya mahirap din kung mag aaswa ako tapos kailangan ko agad umalis dahil di sapat ang kita ko sa pilipinas,isa ring naglalaro sa isip ko wala pa akong bahay.at mahirap maghanap ng matinong trabaho sa pilipinas lalo na sa linya ko sa construction mahal na mahal ko GF ko at ganun din xa sakin lagi kong naiisip kaya ko na siguro o hindi pa ako handa? anong masasabi nyo..opinyon po..=D

    • Hello, parang naging tagapayo ako nito, parang “kuya Eddie” lang ang peg ano.
      kung mahal mo talaga ang GF mo, walang imposible, 28 ka na at nasa tamang edad ka na, ang kasal ay parang tsinelas lang yan, dapat tama ang kaperes ng tsinelas.
      sana hindi ka naguluhan sa payo ko..
      kiko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s