Since birth daw?

Since birth daw siyang mayaman?

 

Napa tambling ako noong napanood ko si Ret. Gen. Carlos Garcia ng tanungin ng isang reporter kung saan galing ang yaman niya na worth 100 million pesoses. Ang sagot ng hinayupak ay “since birth” daw ito, hayop at hanep shet! Ano ang ibig sabihin niya na nung lumabas siya hawak hawak niya ang 100 million pesoses sa kamay niya? At mukhang siya pa ang galet nung tanungin ng reporter, sino kaya linoloko niya (tayo pala kasi tayo ang ninakawan)

Gustong kong umakyat ng bundok at sumali sa mga kapatid nating mga NPA dahil sa mga ka takawan ng mga buwaya natin, me nalalaman pa silang pabaon at pasalubong ha! Makikita mo ang simple at ordinaryong sundalo na halos tipid sa pag kain at eto ang mga buwayang general na nag nanakaw sa atin, minsa tinatanong ko na lang ang sarili ko kung may pag asa pa ba ang systema ng bansa natin.

Balik tayo sa since birth… nag imbestiga ang GMA news at hinanap ang lungga nga matakaw na General na ito at pinakita ang ancestral house nila, heller? Yan ba ang since birth na milyunaryo, ang laki ng bahay mo teng di ko ma reach… posporo na lang ang kulang pwede ng pang gatong yan!, kamag anak mo ba si Araneta at Zobel? P_t_ng  in_ ka Garcia! Titigil na nga ako at baka ma salvage ako sa sinasabi ko.. pero hanep shit ka Garcia!  Ayan tuloy nagpakamatay yung isang binigyan mu ng pabaon dahil sa iyo, pero huwag ka munang sumama ha, kailangang mabalik mo muna kahit 90% lang (nangarap pa)

Bilang isang ordinaryong manggagawa, wala tayong magawa kundi murahin sila… kaya enjoy na lang mag mura sa kanila dahil sila pa rin ang mayam.. sila na, sila na ang mayaman! Buwiset!

Ang  hirap pa nito inoffer pa ng plea bargain agreement ng ombudsman, ang gobyerno talaga natin oo, hirap na hirap mag trabaho ang pinoy at mag bayad ng tax, tapos ….. wala na akong masabi … Buwiset!

Leave a comment

Filed under Politika ATBP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s