TV series na jabongga

Eto na eto na eto na! ang mga English TV series na napanood ng kritiko in random order

Maliit pa ako ay mahilig na akong manood ng mga English tv series, hindi naman ako sosyal or spoken in dollars kaya lang iba talaga nag mga kwento ng mga tv series, lalung lalo na ng matutunan kong mag download ng mga series (thanks sa pare ko), naalala ko pa noong bata pa si kiko at kasakasama ang dakialang pamilya para manood ng english tv series, hindi naman lahat puro English tv series ang pinapanood naming noon, mayroon din mga local na katulad ng flor deluna, ana luna, John and Marsha, Iskul Bukol, ober the bakod, Duplex, pero memorable ang mga TV series na di ko malilimutan mula pa sa pagkabata ko, uumpisahan natin sa  dekada 70’s , yow peace man! So eto na post ko sa famous tv series

Early 70’s

  • Chip’s – police story, was a lightweight action crime drama, which included elements of comedy in every episode (several of the first season episodes play as out-and-out comedies). Over-the-top freeway pileups, which occurred in almost every episode, were a signature of the show. There was little if any actual violence on CHiPs, and the show can be classified as a dramedy (drama & comedy).. – Eto ang nakuha kong konting history sa chips, pero may tama sila, ganun nga yun di ko eksaktong matandaad ang mga story dito (dahil napaka bata ko pa nun) pero alam ko inaabangan namin ito everyweek.

 

  • Planet of the Apes – ulet di ko masyadong memorize ang mga kwento dito pero like na like ko ang story, scifi action ito at mayroon din movie nito, actually nagging movie muna ito bago maging tv series and after ilang year nagging movie ulet.

  • The Professionals – isang detective story na talagang retro at 70’s na 70’s as usual, di ko matandaan dahil siguro sa katagalan na nito at batang bata pa si kiko noon. 

 

80’s

  • MacGyver-  Sikat na sikat ang MacGyver noon dekada otsenta, lalung lalo na ang trademark niyang swiss army pocket knife sa paggawa ng mga traps at gadgets na mula sa scrap, may halong science and creativity ang tv series na ito kaya patok na patok sa manood, ibang iba din ang kwento kaya maganda ang series.

  • A-Team – one of my favourites talaga ang A-team, si Hannibal, Murdok, B.A. (Mr. T), Face, tulad ng MacGyver, isang special forces na nag rebelde at tumutulong sa mga inaapi, ang kagandahan nito kahit gumagamit ng baril ang mga bida at walang tinatamaan na kalaban at ito ay panakot lang, magaling din silang gumawa ng mga  “improvised gadgets” para labanan ang mga bibong bibong kontra bida. Isang dahilan kaya like na like ko sa TV series na ito ay ang cool na cool nilang Van, at ang phobia ni Mr. T sa pagsakay sa eroplano, favourite kong karakter dito ay si Murdock dahil sa isa syang certified na “addict” mapapatawa ka at mapapautot sa ka weirdohan nya.

  • Miami Vice – dito na uso ang blazers at spadrell shoes, cool na cool noong 80’s ang pormang naka t-shirt ka lang and slacks with blazer, kahit mainit sa pinas at maligo na sa pawis ang mga japorms basta naka blazer and spadrell shoes, naalala ko may spadrell shoes pa ako nun at ang lambot sa paa, detective story ang maimi vice at karamihan ito ay tungkol sa drugs, sumunod ang ibat ibang tv series na gaya nito ngunit iba pa rin ang original, ma action at umaatikabong sexy scene.

Madami pa ang magagandang TV series sa 80’s ngunit eto lang ang talagang tumatak sa akin na kakaiba.

90’s

  • Ally McBeal – Isang comedy na tungkol sa isang babaeng lawyer na lukaret, mahilig sa t_t_ at mahilig mag imagine, isang cerified “addict” pero ang paborito kong karakter dito ay ang kaibigan niyang si John Cage isang weirdo na nakaka aliw, isa pang paboritong kong karakter dito ay Elaine Vassal isang mahilig na sexytarya na sobrang libog.

  •  Lois & Clark – Superman! Wala na akong ma sabi pa kasi nga si Superman ito at kahit sino mahilig sa superheroes ay masisiyahan sa TV series na ito

  • The Practice – isang umaatikabong Legal Drama, sobrang seryoso ng mga tao dito kung minsan nakakalimutan nilang tumawa, paborito kong karakter dito at yung sexy petit na secretarya na ubod ng cute, hanep ang story line ng TV series na ito, mapapaiyak ka sa drama at sa mga cases nila, na mga criminal at serial killers, may funny moments din kaya mag konting humor ang series na ito.

  • X files  – ito ang kababalaghan na detective story, saan ka pa may detective story ka na may horror show ka pa, magaling gumanap bilang Special Agent Moulder si David Duchovny sa galing ng TV series na ito ginawang movie. 

 

Year 2000 – The start of the new generation of TV series. Baket? Kasi high tech ang mga shows

  • 24 – hanep ang action dito at ito lamang ang kwentong matatapos sa isang araw (kaya nga 24 hours) or real time event ika nga, mabibilib ka sa bida dito na si Jack Bauer, isang ala James Bond na Jason Bourn in one, dito unang pinakita na posibleng magkaroon ng isang US black president, super ang story plot, halos tungkol sa terrorista ang plot ng story at ibat ibang high tech na survallance ang ginagamit dito. Wala pa akong nakitang kasing galing ng 24, ito na siguro ang pinaka favourite kong TV series.

  • Smallvilleang binatang superman, isang kwento ng nagbibinatang superman kung saan virgin pa sya, and hindi pa marunong lumipad, (hangang ngayon naman) hindi pa tapos ang series, naka  10 season na ito and still not yet finish. Maganda ang TV series na ito dahil siguro siya si Superman at may kasang ibat ibang superheroes.

 

  • Supernatural – Isang nakakatakot na palabas, namatay ang nanay ng dalawang magkapatid dahil sa isang demonyo, at dahil dun, nagging isang magaling na hunter si San & Dean Winchester, madaming twist and story at ito ay ikasasabikan ninyo, mga babaero din ang dalawang karakter at may konting sexy scenes.

  • CSI Las Vegas (the Original) – One of my fav ito na siguro ang isang palabas na may halong science pero cool na cool sa dating ng tao, ito ay 1st time na may ganitong plot sa TV at sila ang pioneer sa ganitong estilo, maganda ang story at ang mga re-enacment ng crime scene. Paborito kong karacter dito at si Bill Grissom ngunit pinalitan siya ni Laurence Fishburne na ok naman ang performance, isa pang paborito ko dito ay ang hot mama na si  Catherine Willows, still going stron ang CSI at pinapanood parin

 

  • Boston Legal – Madami siguro ang hindi kilala ang TV series na ito, Comedy Legal Story na tungkol sa dalawang mag best friend at manyakis na abogado. Sa galing ng dalawang karakter na ito matatawa ka sa mga katarantaduhan nila. Natapos ang series sa pagkakasal ng dalawa (tama, nagpakasal ang dalawa as in same sex marriage) pero hindi sila bading, ngunit ,mamamatay ang best friend niya na walang magmamana ng estate niya kaya pinagkatiwala niya sa best friend.

  • The Deadzone – Kakaiba ang plot ng TV series na ito, isang lalake na coma for 6 years pagkatapos ay nagising at may power to tell the future by touching a person or a thing. Johnny Smith ang name ng bida, naka 6 series din ito bago matapos, kakaiba ito dahil nga sa kanyan powers at pwede nyang baguhin ang future or malaman ang past, para sa atin siguro ay gusto natin magkaroon ng ganitong powers para manalo sa Lotto o para malaman kung kalian matatapos ang mundo.. chos! 

 

 

  • Criminal Minds – Isa sa mga paborito ko, BAU (Behavioral Analysis Unit) isang silang groupo na profiler or nag iisip paano mag isip ang isang serial killer, maganda ang plot ng story dahil ibat ibang cases ang mapapanood every episode, paborito kong karakter dito ay si Dr. Reed, isang batang genius na mabilis magbasa at dahil genius nga madaming opinyon.

So ayan ang mga paborito kong TV series, naghahanap pa ako ng mga ilan pa, pero bukod dyan madami pa akong pinapanood na TV setries na natapos ko na rin yung iba

7 Comments

Filed under Top 10

7 responses to “TV series na jabongga

  1. hello, kiko.

    pinapanood din namin at peyborit ang marami sa mga series na nabanggit mo.
    pero dito sa 2000 and up na, 24 at csi las vegas lang ang mas natutukan ko.

    ang galing pa ng recall mo sa kanila. btw, may isa pang magandang series akong gusto [current pa ‘to] pero comedy – big bang theory. tungkol ‘to sa apat na magkakaibigang nerds na scientists. aliw na aliw ako do’n. naaalala ko kung paano alo nangulelat sa physics, he,he…

    like ko ‘tong post mo na ‘to.😀

  2. Hello hello perstaym ko dito at ang binasa ko lang ay ang tungkol kay Ally McBeal dahil all time favorite ko ang tv series na yan. Naalala ko pa noong umiyak ako nong namatay si Bill. Hahahaha!

  3. hey, kiko. balik ako para humirit uli dito sa post, hehe…

    ba’t di ko yata nakita sa list mo ang Friends? di ko lang alam, baka ayaw mo ng ganoong tipo ng palabas … :s pero like ko iyon, sobra. paulit-ulit pa naming pinapanood ang pirated dvd dito sa bahay, haha… pinapatugtog pa rin namin sa sasakyan ang soundtrack, hihi… na-time warp siguro kami sa palabas na ‘yon, ang kulit kase.

    peyborit ko sina phoebe, monica at siyempre, si joey – my joey. lab ko ang Friends, saan nagpe-petisyon para maisama ito sa listahan? haha…😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s