Salary Bracket

Buhay Dubai

Ilang taon din ako nanirahan sa Dubai, at sa paninirahan ko sa Dubai madami ako nakilala ibat ibang klaseng nilalang, may indiano, pakistano, arabo, srilankan, Briton at syempre pinoy. May kanya kanyang style din ang mga tao dito may kanya kanya din silang standard of living ika nga, masakit man tangapin ngunit hindi pantay pantay ang tingin ng mga tao dito depende kung ano nasyon ka, kasama na dito ang sahod ng isang applicante, kapag puti ka (Briton or anu pa man puti ang kulay) mataas ang ibibigay na sahod sa iyo, bagamat kung minsan ay ang abilidad nila ay kasing pantay lang ng ibang lahi. Kung naman indiano ka o srikankan mababa ang offer na sahod nila dahil ang sabi ay malaki na daw ang halag ng pera na yun kung sa bansa nila makukuha (ano naman pakialam ng bansa nila sa sahod nila ngayon). OO mga kapaitd, ganyan ang deskriminasyon dito sa UAE. May ka opisina ako na Briton at ang sweldo nya ay 25,000 Dirhams, ngunit kapag susukatin mo ang kahusayan niya ay mas magaling pa ang pinoy, hindi ko tinataas ang bangko natin mga pinoy kaya lang ay talagang halata na at buking na buking, ma abilidad lang silang mag tago at magsalita ng sandmakmak na boladas kaya parang shet na matalino sila… shet na babad trip ako kapag na aalala ko ito. Anyway tanggap ko na sa kaibuturan ng puson ko kung bakit ganyan mag pa sahod ang mga employer dito, mas mataas naman ang sahod ng pinoy sa mga indiano pero hindi pa rin yun dapat kahit sabihin mo na mas matalino tayo at bihasa sa ingles kesa sa kanila ngunit isa lang ang eport na ginagawa naming, ayokong gamitin ang salitang dapat sa post kong ito.. ayoko! …Dapat  pantay pantay ang sahod ng ibat ibang lahi.. kung ang sahod ng Briton ay 25k ganun din dapat ang pinoy at Indiano… pero di ko ginamit ang dapat dahil walang dapat dito kundi “this is how life works”. Sa mga residential na lang makikita ang difference ng pamumuhay ng isang puti sa isang asiano, makikita mo ang Briton nasa magandang villa or flat habang ang pinoy ay nagsisiksikan sa malilit na rented rooms na ang partisyon ay kurtina. Buti na lang ngayon at medyo mura na ang room rental sa Dubai at bagsak presyo na ang mga ibang flat at nakakatikim na rin ng konting luwag ang ibang asyano. Hindi ko alam sa ibang lugan kung ganito ang treatment ng mga employer sa ibat ibang lahi at kinukuha sa kulay, ito at isang katotohanan na mahirap tangapin ngunit dapat harapin.

Leave a comment

Filed under Buhay UAE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s