h1

Top 10 dahilan kung bakit sumasali and isang estudyante sa Fraternity

February 26, 2012

Kmusta mga katoto? matagal tagal na din akong hindi nakakapagsulat ng anik anik dito sa blog ko, sa tutoo nun wala akong oras at maisip na magandang paksa.

Ngunit sa ngayon hindi ko mapigil ang sinisigaw ng aking damdamin tungkol sa pagsali sa isang fraternity, alam nyo na siguro na may namatay nanaman sa hazing. Kaya walang ng paligoy ligoy pa at eto ang top 10 dahilan kung bakit sumasali and isang estudyante sa Fraternity at ang opinyon ko sa mga dahilang ito.

  1. Para magkaroon ng mga bagong kaibigan. – kailangan mo bang sumali sa isang frat para magkaroon ng bagong kaibigan?
  2. Proteksyon sa sarili. – ahhh… baket wanted ka ba? heller feeling mo inaapi ka? mag condom ka na lang proteksyon di yun.
  3. Para maging in at hindi magmukhang outcast. – in ka nga inn na inn sa kabaong
  4. Para dumami ang mga brothers ko. – sumali ka kaya sa El Shadai doon libu-libo ang brothers and sisters
  5. Para may conection sa lipunan tulad ng makakuhang leakage sa exam. – totoy kung gusto mong pumasa mag aral ka, kung gusto mo ng madaming koneksyon sa lipunan mag politiko ka.
  6. Para makadami ng chicks – ulul! baket rock star ka ba?
  7.  Para maging siga at kinakatakutan sa lugar namin – … bro…. magsalamin ka na lang at ma rerealize mo di mo na kailang manakot
  8. Masaya ang nasa frat – oo nga masaya, isipin mo na lang bubugbugin ka pagkatapos ikaw naman ang magbububog tapos sasabihin mo sa mga pulis aksidente lang.. ulul!
  9. Para gumawa ng mabubuting civil project and contribute to the community – may mga fraternity na gumagawa ng nun, pero meron ding naman social clubs na ganun din ang ginagawa, tulad ng Lions, Kiwanis at madami pang iba.
  10. Iba talaga ang nasa Frat masaya na protectado ka pa madami ka pang kapatid na hindi ka pababayaan – ulul at isa pang ulul! sila nga ang dahilan kaya ka napapahamak!

Ang mga dahilang nabanggit ko ay hindi ko gawa gawa ko lamang, ito ay mga tanong ko noong nasa collage pa ako at inaanyaya akong magi miyembro ng frat nila.

Huwag sana magalit ang mga fraternity sa akin at bugbugin ako, hindi ko sinasabi na masama sumali sa frat, pero ano kinaibahan niyan sa isang barkada? dahil pareho kayong nabugbog ng mga master ninyo? dahil brotherhood ito? pwede naman maging magkaibigan at brotherhood na walang sakitan. Bagamat masasabi ko na ang basic na reason kung bakit tinatag ang fraternity ay para dumami ang mga kaibigan na maaasahan, ngunit siguraduhin lang na hindi din dadami ang makakalaban at hindi kayo masasaktan, dahil para sa aking ang tunay na kaibigan ay hindi ka sinasaktan o ipapahamak.

 

Paunawa: ang mag nasulat ko dito ay aking mga opinyon lamang at maari tama o mali at ang aking kinokundina ay ang marahas Hazing na tinatawag at hindi mismo ang mga fraternity at paalala iba po ang Fratenity sa isang Gang.

Bato bato sa langit ang matamaan ay huwag magagalit.

About these ads

5 comments

  1. hello, kiko man,

    naman! kumusta you? hantagal mong nag-hibernate, kainaman. mga 1 month and 10 days lang, ahaha. ikaw na ang busy… paano yan, nag-lie low ka rin ba sa pag-i-FB?

    ayon, di ka pala fratman… wala akong masabi sa paksa, hehe. noong nasa college, may mga nagre-recruit sa ‘kin sa sorority, di ako masyadong na-engganyo for some reason. matagal-tagal rin naman nila akong tinyaga at niligawan, so to speak. ewan ko ba, di ako sumali…^^

    welcome back sa blogging, kapatid. :)


    • Hindi naman ako nawala nagbabasa pa naman din ako ng post ninyo (kahit mahaba) kaya lang busy sa buhay tao


  2. NpkaGnda nanG iyOn opinion :)


  3. Very nice nang oPinion :)


  4. oo peru ang sbi kse ng teacher ko my hazing fraternity na hindi pambubugbog ang sadya vsa isat isa kundi karamay sa mga problema what i mean advice



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101 other followers

%d bloggers like this: