h1

Top 10 meryenda ng pinoy

March 7, 2011

Hindi ka pinoy kung hindi ka mahilig sa pagkain, likas tayong matatakaw, kaya ang post kong ito ay tungkol sa top 10 na meryenda ng pinoy.

10. Tinapay (Pandesal, cheese bread, hopia, ensaymada) –  bilang isang bansa mahilig sa kanin, tinapay pa rin ang meryenda natin at suki tayo ng panederya sa kanto.

9. Turon – ito ay saging na saba na nakabalot sa pabalat ng lumpia na may asukal sa loob at priprito ito, kung minsa may kasamang langka sa loob, hay sarap at samahan mo pa ng isang basong malamig na coke, kumpleto na mirienda mo.

8. Halo-halo – tuwing summer time sa amin  ito ang sikat na miryenda, lalung lalo na kung ito ay kumpleto o madami ang sahog na leche plan, saging, sago, buko, melon, pinipig, beans, at ube.

7. Banana Q – noong elementarya ako, palagi akong bumibili ng banana Q, bukod sa mura na, nakakabusog pa, basta may kasamang buko juice or sago at gulamam ayos na.

6. Linagang kamote, mais, gabi o saging saba – bilang isang probinsyano, hindi mawawala sa sari sari store o naglalakong ale ang mga ito, murang mura na may kasama pang bonus (utot)

5. Kakanin (Suman, sapinsapin, kalamay.. etch) – bilang isang pinoy, hindi mawawala sa atin ang pagkaing ito, kahin nadito na ako sa UAE makakabili ka pa rin ng kakanin sa mga groceries at Filipino restaurants.

4. Street food (fishballs, kikiam, squid balls) – nabangit ko na ito sa isa kong post (Top 10 na-mimis na pagkain sa Pinas) siguruduhin lang na malinis ang kakainin street food, paano? Check mo ang nagbebenta, kung mukhang madungisin mag isip ka muna. Also check ang paligid, dapat medyo malayo sa imburnal o maalikabok na bahagi ng kalsada.

3. Goto, sopas o arrozcaldo – kapag tag ulan sa atin, eto ang number one, lalung lalu na kung may fried na bawang, paminta, kalamansi at linagang itlog, saan ka pa.

2. Pancit, spaghetti (noodles) – ang pinoy madami kalseng pancit, malabon, canton, bihon, palabok, tapos may spaghetti pa, mami, lomi at ano ano pang mi, kaya madami pagpipiliang noodles at hindi ka magsasawa, parang ako lagging hinahanap… he he he

1. Fast food (cheese burger, pizza, shawarma) – hindi mawawala sa modernong pinoy and fastfood or ika nga western food, kahit tayo ay pinoy masarap din sa atin ang hamburger at pizza na pinoy style.

 Kahit saan man tayo magpunta, nasa pinas man o sa ibang bansa ang mga meryenda pa ring ito ang hinahanap natin at bahagi na ito ng ating pagkatao

About these ads

8 comments

  1. hello, kiko.

    ambilis mong nakagawa ng panibagong list, bok. dapat palitan mo na ang host ng QTV Ch11 sa programang Pinaka, haha…

    another milestone na naman itong meryenda listahan mo. mahilig ka yata talagang mag-observe, hehe.

    but i’d register my reservation sa no.1, sa fastfood meryenda. baka sa city dwellers and regular income earners lang nag-a-apply ang pagkahilig dyaan. baka among the poor na syang mas marami, no.1 pa rin ang nilagang saging o nilagang mais. tingin mo po?

    but over-all, i’ll give this post an excellent rating. sabay kambyo, haha… regards :D


    • actually may tama ka, inisip ko nga na gawin number 10 ang burger, pero naisip ko na nagkalat na rin kase ang mga maliliit na burgeran sa tabi tabi sa pinas, salamat sa comment at sa pagdalaw : )


  2. Nakakagutom at nakakamiss, lalo na yung pandesal at turon!

    Maraming salamat sa pagbisita mo at pag comment sa blog ko. :) Mahirap nga mag maintain ng blog (lalo na ngayon na in-introduce ko na yung “Pandesal ni Jo”). But no pressure, nagsusulat lang ako pag kaya pa ng oras at pang destress. Lalo na yung newly started gratitude blog. :)


    • your welcom and salamat di po sa pag bisita :)


  3. masarp dinang sopas pag tag ulan


  4. turon with halo halo


  5. napaka sarap naman yan


  6. masmasarap ung putobongbong of fiesta



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 104 other followers

%d bloggers like this: