h1

Top 10 na tradisyunal na larong pambata

February 23, 2011

Ibang iba na talaga ang panahon ngayon, di katulad noong kabataan ko ay madalas nasa kalsada kami at naglalaro ng mga larong pang-bata, di katulad ngayon, mga kabataan ay madalas maglaro ng video games at nasa bahay lang, nakakalimutan na ang mga tradisyunal na larong pambata.

Eto ang top 10 na tradisyunal na larong pambata na di ko makakalimutan sa buong buhay ko at dahil sa mga larong ito, ay bahagi ng pagkatao ko, dito ko unang natanggap na paminsan minsan natatalo ka at minsan naman ay nananalo ka, dito ko unang natutunan kung paano makihalubilo sa mga tao at kung paano mo itrato ang ibang bata.

 Top 10 na tradisyunal na larong pambata

10. Tumbang Preso

 – ito yung may isang taya sa harapan at kayo ay nasa base(isang guhit sa lupa na di kayo pwedeng lumagpas), kailang mo ng tsinelas at isang lata ng Alaska! Oo Alaska dahil walang Carnation noon puro Alaska at bearbrand lang ang mga naka latang gatas. Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng sinelas ng tumitira, nas loob ng bilog ang sinelas at kapag walang naka tira nito ang pinaka malayong sinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag tinamaan mo ang lata at ito ay tumayo ikaw ang taya, kapag nakulong sa bilog ang iyong sinelas – ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at natumba ito dali dali kayong kunin ang sinelas ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base. Para siguro sa hindi naglaro nito parang nalilito sila, pero masaya ito lalu na kung sa kalsada kayo mag lalaro, pinakamagandang pambato na tsinelas ay “spartan” Bakit spartan? – kasi matibay, matigas at mabigat.

9.Syato

- ito ay sa dalawa o higit pa manglalaro ngunit di lalampas ng anim at mas maganda kung dalawa or 4 kayo, team A and B ang dapat mag laro groupo man o individwal, ito ay ginagamitan ng dalawang stik na kawayan, kahoy o rattan, gagawa ka ng butas sa lupa na korteng bangka, at dito mo ilalagay ang itong maliit na stick, paliliparin mo ang maliit na stik na ito gamit ang malaking stik, ang kalaban naman ay siya ang sasalo sa stick, at kung masalo mo ang stick ikaw na ang titira o kaya out na yung tumitira, kung hindi mo nasalo ang stick, pulutin mo ito kung gaano kalayo ito napadpad at magmula doon e-hagis mo para tamaan ang malaking stik, kapag tinamaan mo stick ay out na ang tumitira, kapag hindi sa next stage na aabot ang laro, papaluin ng tumitira ang maliit na stick gamit pa rin ang malaking stick at pupulutin mo ulet ito, ihahagis ulet sa tumitira ngunit ngayon papaluin na ng tumitira ang maliit na kahoy, kapag tinamaan ang maiit na kahoy, magbibilang ang tumitira gamit ang malaking stick, pagkatos ng pagbibilang iyon ang score mo, and next step pa ay ang paglagay ng maliit na stick sa hinukay na butas at doon papaluin ng malaking stick ang maliit na stick para lumipad sa ere at sabay paluin ito, kung hindi tinamaan ang stick ay “out na tumitira, kung tinamaan ang stick at lumayo, magbibilang ulit ang tumirira gamit naman ngayon ang maliit na stick, dapat abutin ka ng 200 points para matapos ang laro, ang unang maka puntos nga 200 points sya ang mannalo, parehong titra ang dalawang group at kung parehong naka abot sa 200 itutuloy ito sa 300, ang parusa sa natalo ay papaluin ng nanalo ang maliit na stick ng 3 beses or kung ilan sila, at magbuhat sa distansya ng stick ang talo at sisigaw ng “sssssssiiiiiiiiiiiiiiaaaaaaaaaaaaaatoooooooooooooooooo” na walang tigil hangang makarating sa butas ang haba ng rulss and regulation ng larong ito ano? Karamihan pinagbabawal ng mga matatanda mag laro nga siato dahil may posebilidad na tamaan ang mata mo rito.

8. Piko

halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang  bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

7. Holen or Jolens

- hindi si jolina magdangal ang binabanggit ko kundi and paglalaro ng holen, hindi rin ang personal kong holen ang ibig kong sabihin. Panlalake ang larong ito di katulad ng piko at siato pwede ang babae at lalake, pero pwede naming sumali ang babae, 2 klase ang alam kong laro dito, yung isa ay para kang nag gogolf at may 4 to 6 na butas sa lupa at may base., ang umpisa ng laro at magpapaligsahan kayo kung sino ang mas malapit sa base pagkatapos ihagis ang holen magmula sa unang butas, ang pinaka objective ng laro ay kung sino mas mabilis makakumpleto i-shoot as mga butas (parang golf nga) sa pamamagitan ng paghagis gamit ang kamay. Panooring nyo na lang ang video.

6. Trumpo

 – kailang mo ng konting skill para malaro ito, pero karamihan na naglalaro nito ay mga lalake, patagalan ng ikot ang labanan dito. Panooring ang video

5. Teks

 – di na ata uso ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, ito ay usong uso sa amin, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo, panoorin ang video.

4. Moro-moro or Maro

– ito ay pabilisan ng takbo o habulan ng dalawang grupo, may sarisailing home base at alternate na nag hahabulan, panooring ang video

3.Taguan

– hide and seek sa ingles, karamihan alam ng mga bata ang larong ito at masayang laruin ito kapag gabi at nasa kalsada kayo, madami akong masasayang ala-ala sa larong taguan, kaya ngayon nagagamit ko sa mga taong may utang sa akin he he he he

2. Patintero

– isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao,  at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng patintero sa kalsada.

1. Sipa

 – isang mabigat na singaputing bakal na hugis piso na may buta sa gitna at lagyan ng straw sipa na, tandang tanda ko pa noong bata pa ako na marunong akong mag sipa, may kasama pang black magic or back kick kung tawagin, panooring ang video

About these ads

14 comments

  1. hi, kiko. ang galing, ah… :]

    ang mga mas nilaro namin ay tumbang-preso, piko, taguan, patintero at sipa, kung minsan. yong syatu at moro-moro, di ‘ata uso sa lugar namin.

    ‘yong iba naman ay masyado nang rough at panlalaki. although, gusto namin ng mga pinsan kong babae na maki-join sa mga rough na laro, masyadong pa-macho ang mga kapatid naming lalaki para isali kami. so, hayon…

    ay, ang sayang maglaro sa probinsya dahil ang lalapad ng grounds. iyon yata ang kaibahan – pag sa city, kokonti talaga ang space na laruan. :s

    babalikan ko ‘tong post mo minsan… :D


    • oo nga, masayang maglaro sa probinsya, dahil laking probinsya ako kaya enjoy ko ang childhood ko, di katulad ng mga ibang bata ngayon, (specially anak ko) di na nila mararanasan yung ganun kasarap at adventure na laro sa probinsya.


  2. oo, nga. mostly ng laro ngayon ay indoors. may lalaki ka palang anak, bok? :D


  3. [...] Mag internet, Maglaro ng psp video games – noong kabataan ako ay wala pang internet at bibihira din ang mga video games, family computer pa ang tawag naming dun. Sa mga kabataan ngayon kahit hindi umuulan eto pa rin ang madalas na gawin sa bahay, din a uso sa kanila ang mga tradisyunal na larong pinoy. [...]


  4. Madam Betty this are the games usually played during our childhood days.


  5. gumawa ako nang fanpage sa facebook, okay lang ba if gagamitin ko mga pics imo dito?
    https://www.facebook.com/pages/Traditional-Filipino-Games/141890262577887


  6. nakakatuwang balikan ang nakaraan:)


  7. charr, tama! kailangang makaranas ang mga bata ngayon ng mga larong pinoy. :)


  8. haha…hanggang ngayon nilalaro ko pa rin yan..nagsasabong din kami ng gagamba…


  9. minsan ganyan


  10. Nilaro ko ata lahat tu… i sucked on (7) & (8)… pero lahat gusto ko. I wish malaro ng anak ko pero ng umuwi kami ng probinsya ang mga batya me mga sarili ng mundo.


  11. ang lahat ng ito halos ay nilalaro ko din nung bata ako. pero tama ka sad to say nawawala na ang mga ito sa kasalukuyang panahon. at dahil diyan naisip kong mag-organize ng Palarong Bulilit para sa mga ganitong laro. maari ko bang gamitin ang mga larawan mo at mga salita? maraming salamat! mabuhay ka! :-)



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 101 other followers

%d bloggers like this: